June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

2 chinese national tiklo sa paglabag sa gun ban

Ni Alex dela Cruz

DALAWANG Chinese national ang inaresto ng mga otoridad sa isang eatery makaraang lumabag sa ipinatutupad na gun ban .

Kinilala ni Bulacan police director Col. Relly Arnedo ang mga suspek na sina  Cao Jie, 35, at Jia Zi Cong, 27, na may dalang cal.45 pistol at .9mm pistol bandang ala -1 ng hapon sa Baranagay Caingin ng naturang lugar.

Nabatid na ang dalawang Chinese ay empleyado ng Momarco Vegetable Plantation na kumakain sa isang karinderya sa lugar ng makitaan ng armas .

Agad na ipinagbigay alam ng isang concerned citizen sa pulisya kaya naman agad itong naaresto.

Narekober sa kanilang pangangalaga ang 6 na rounds na bala ng .45 cal at 9 na rounds ng .9mm pistol.

Ang mga suspek ay nasa pangnagalaga na ng San Rafael police station  na nahaharap sa kasong  Omnibus Election Code at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). .