
“KUNG tutupad ang pamahalaan sa pangakong itataas ang Marawi Compensation Fund sa P5 bilyon sa susunod na taon, malaking tagumpay ito para sa biktima ng Marawi Siege na naghintay ng mahigit anim na taon para maitayo ang kanilang mga nasirang tahanan.”
Deputy Minority Leader and Basilan Rep. Mujiv Hataman today said he expects the Department of Budget and Management to be true to its word and increase the Marawi Compensation Fund from P1 billion as proposed in the 2024 national budget to P5 billion.
The Basilan lawmaker also got a commitment from the DBM that the P1 billion allocation for 2023 will be released next week.
“Nakakuha tayo uli ng commitment sa DBM na gagawin nilang P5 billion ang pondo para sa biktima ng Marawi Siege para sa pagpapatayo ng kanilang mga tahanan. Sana naman ay tuparin nila ito, para sa ikagagaan ng kalooban ng marami sa ating mga kababayang taga-Marawi,” Hataman, former governonr of the now-defunct ARMM, said.
“Hindi talaga kasya ang P1 bilyon sa isang taon. Tandaan natin, limang taon lang ang binigay natin sa Marawi Compensation Board (MCB) para matapos ang pagbabayad sa mga biktima sa Marawi. Kaya mahalaga na madagdagan ang pondong kanilang ipapamahagi,” he added.
According to the MCB, from July 4 to Aug. 31 it has already received a total of 4,762 filed claims amounting to roughly P17.46 billion in just two months. Hataman said if this was accurate, then P1 billion a year is grossly insufficient.
During the last day of the plenary deliberations for the budget last week, budget sponsor Rep. Franciso Jose Matugas told Hataman that the DBM will release next week P1 billion to compensate around 362 claimants with a total of P1.023 billion.
The MCB, according to Matugas, has already submitted its request to download the P1 billion Marawi Compensation Fund for 2023 and it is ready for release.
“Hindi ito sapat, pero at least alam na nating gumugulong na ang Marawi Compensation Program. Bibigyan nito ng pag-asa ang mga nag-file ng verified claims na hindi na ito kwestyon kung mababayaran ba sila o hindi, kundi kwestyon na lamang ng kung kailan,” Hataman declared.
“At kung maitataas nga sa P5 bilyon ang pondo, mas maraming mabibiyayaan sa susunod na taon. Mas marami na ang makakapagtayo ng kanilang mga tahanan. Konting tiis na lang at maaari na tayong bumalik sa normal sa Marawi,” he continued.