DALAWANG estudyante ang natagpuang patay sa opisina ng Signal Vilage National High School sa Taguig City noong gabi ng Nobyembre 10.
Ayon sa Taguig Police nitong Sabado, Nobyembre 11, sa inisyal na imbestigasyon ng Scene of the Crime Operation (SOCO) na walang “foul play” na nagyari sa pagkamatay nina Irish Sheen Manalo at Mary Nicole Picar.
Natagpuang nakabitin ang dalawa sa 3rd floor sa loob ng Girls Scout Mini Office ng Magsaysay Building ng Signal National High School.
Base sa ulat ng Taguig police, si Mary ay 15 anyos na Grade 10 student ng paaralan at residente ng Barangay South Signal habang si Irish naman ay 13 anyos na Grade 8 student ng paaralan at residente ng Barangay Central Signal, Taguig.
Hindi makapaniwala ang pinsan ni Irish na si Rhea Manalo sa sinapit nito kaya naman nag post ito sa FB kung saan ay humihingi ito ng hustisya dahil sa hindi nito magagawa umano ang magpakamatay.Kay hihintayin nitong lumabas ang autopsy result ng mga otoridad.
Samantala, sa inilabas na pahayag ng Taguig police nitong Nobyembre 11 , “The initial evidence gathered by the Philippine National Police -taguig at Scene of the Crime Operatives (SOCO) do not indicate foul play in the deaths of two female highschool students whose lifeless bodies were discovered almost midnight of Friday, Nov.10,at Signal Village National High School ,”.
“PNP-Taguig urged the public to refrain from making speculations that could worsen the situation experienced by the grieving families.” dagdag pa ng pulisya.
Nakita ng testigong si alyas Danielle , 16anyos- huli niyang nakitang buhay pa ang mgabiktima bandang alas 7-45 ng gabi at sinabing uuwi na.
Nang makauwi ng bahay ang estudyante ay nabasa niya sa group chat nila sa messenger na hindi pa nakakauwi ang dalawang estudyante.
Kaya naman nagpasiya ang estudyante na hanapin ang mga ito hanggang sa natagpuan na lamang ang dalawa na nakabigti na sa loob ng nasabing opisina at agad na ipinagbigay alam sa gwardiya ng eskwelahan ang nasabing pangyayari.