NAG-UMPISA nang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa mula ng sumiklab ang tensyon sa Middle East at asahan na rin ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa global market dahil sa lumalalang sigalot na kinasasangkutan ng Estados Unidos, Israel, at Iran.
Matinding pangamba sa global oil supply kapag nagkakaroon ng tensyon sa rehiyong iyon—lalo na sa mga pangunahing ruta ng langis sa mundo—agad itong nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Sa loob ng halos anim na linggo bago pa ang kasalukuyang hostilities, ramdam na ng mga Pilipino ang pagtaas ng presyo sa mga gasolinahan
Kaya naman naghain ng panukalang batas ang isang kongresista na naglalayong alisin pansamantala ang pasanin ng mga Pilipino sa mahal na presyo ng gasolina at diesel.
Kaya naman naghain si Rep. Bong Suntay ng 4th District ng Quezon City ng dalawang panukalang batas—ang House Bill No. 8244 at House Bill No. 8237—House Bill No. 8244.
Nakapaloob sa House Bill No. 8244 ang magtatatag ng mekanismo para pansamantalang alisin ang VAT at excise tax sa petroleum products kapag may global oil crisis.
Kasabay nito, inihain din ni Suntay ang House Bill No. 8237, na naglalayong tanggalin ang excise tax sa pangunahing petroleum products tulad ng diesel, gasolina, kerosene, LPG, at fuel oil upang mabawasan ang dagdag na gastos ng mga konsyumer.
Layunin nitong agad na pababain ang presyo ng gasolina at diesel kapag may biglaang pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa kongresista, mahalagang may malinaw na polisiya ang pamahalaan upang agad makaresponde kapag may krisis sa pandaigdigang suplay ng langis.
Ang mataas na presyo ng fuel ay hindi lamang problema ng mga motorista kundi ng buong ekonomiya.
Aniya, “Kapag mahal ang gasolina, mahal din ang transportasyon, mahal ang produksyon, mahal ang pagkain. Kaya kailangan nating gumawa ng konkretong hakbang para maibsan ang epekto nito sa ating mga kababayan,” sabi ni Suntay.
Para kay Suntay, ang mga panukalang ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na protektahan ang mga Pilipino laban sa epekto ng pandaigdigang krisis sa enerhiya at tiyaking hindi lubusang maramdaman ng mamamayan ang biglaang pagtaas ng presyo ng langis.
