February 25, 2024

24 oras police operation , higit 200k na droga narekober

Ni Alex dela Cruz

KUMPISKADO ang higit 200,000 pisong halaga ng illegal na droga sa isinagawang 24 oras na operasyon sa  buong rehiyon ng Calabarzon nitong Nobyembre 2-3, 2022.

Ayon kay Regional Director Police Brigdier General Jose Melencio Nartatez Jr. nakulimbat ang mga droga tulad ng shabu at marijuana sa isinagawang 18  magkakahiwalay na  operasyon  ng anti-drug units drug operation kasama ang  Philippine Drug Enforcement Agency 4A.

Arestado ang 27 suspek , kung saan 25 rito ay nabibilang sa Street Level Individuals  (SLI) .

Narekober ang 18.32 na shabu at 1,000 gramo ng marijuana na may halagang Php247, 121.00.

 Pinaka marami ang nakulimbat na droga sa suspek na isang college student na si Christian Jonel Bermudo Babagay alyas “Jonel sa buy-bust operation, na umabot sa 121,500 na marijuana o kush ang nakuha ng Antipolo CPS .

Huli rin ang dalawang suspek na sina Angelica dela Cruz at Jade Rommel Cesista sa Binan City , Laguna kung saan narekober ang 1.6 gramo ng shabu na nagkakahalagang 10,400 piso.

Habang ang suspek na si Paul  Jeffrey Baltazar naman ay natimbog sa buy-bust operation sa Manila East Road, Brgy San Roque kung saan nabawi ang 2.5gramo ng shabu na may street value na 6,500 piso.


“This is the result of our continuous and intensified campaign against illegal drugs which I have always reiterated in line with my 7-Point Agenda under our Enhanced-Managing Police Operations. It is however alarming that one of the suspects involved was a college student. Hence, I want to emphasize the need to intensify our anti- illegal drug campaign targeting students and the academe to promote awareness on the ill effects of illegal drugs,” . ayon kay Nartatez.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.