June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Undas 2022 sa Laguna naging mapayapa

Ni Alex dela Cruz

Matiwasay na naidaos ang Undas sa lalawigan ng Laguna para sa taong 2022 dahil ilang araw bago ang pagdaraos ng Undas o Araw ng mga patay ,nasagawa ng Send-off Ceremony ang Laguna PPO kung saan 809 na mga kapulisan ng Laguna PPO ang ipinakalat sa buong lalawigan ng Laguna upang mangasiwa sa 127 na sementeryo sa buong Laguna noong Oktubre 28, 2022.

Kasabay nito, nagsagawa rin ng information drive ang Laguna PPO kung saan naglathala ng mga bawal dalhin at gawin sa loob ng sementeryo sa pamumuno ni PCol  Randy  Glenn Silvio , Office-in-Charge ng Laguna PPO.

 Simula October 29 hangang November 2, 2022 walang anumang insidente ang naitala sa lahat ng sementeryo sa buong Laguna, dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyong ukol sa mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo, 

Agad na nakumpiska ng Laguna PNP ang limang (5) loud speakers, isang (1) playing cards, labing-limang (15) matatalim na bagay at isang (1) alak sa mga magsisipunta sa sementeryo.

Sa kabuoan, naging matiwasay at maayos ang Undas 2022 sa buong lalawigan sa pamamagitan ng pakikiisa ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at ng mamamayan ng Laguna.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Lubos ang kanyang pasasamalat sa pakikiisa ng mamamayan ng Laguna na maidaos ang Undas 2022 sa Lalawigan ng Laguna.” dagdag pa nito, “ipinagmamalaki nya ang Laguna Pulis dahil sa dedikasyon sa serbisyo nito para sa bayan.”.