
Camp Vicente LIm, Calamba City- NASAMSAM ng Police Regional Office 4-A ang 263 na iba’t ibang uri ng baril nang magpatupad ng gun ban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (Calabarzon).
Ayon kay PRO 4-A Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas nakinumpiska sa isinagawang 381 na operasyon mula Agosto 28 hanggang Nobyembre 29. Kabilang sa nakumpiska din ang mga replica ng baril at ibang armas, kasama ang 116 na bladed weapons at 11 explosives.
Sinabi ni Lucas na dahil sa pagsusumikap ng pinagsanib pwersa ng mga awtoridad, nasamsam ang 1,346 pang iba’t ibang uri ng baril sa panahon ng operasyon, na naging epektibo sa pagpapatupad ng seguridad sa ating komunidad.
“This comprehensive approach played a pivotal role in ensuring the overall safety and success of the electoral process,” dagdag ni Lucas.
Sinabi rin niya na nahuli nila ang 398 na indibidwal na sangkot sa iba’t ibang krimen kaugnay sa eleksyon at na-file ang 324 na kaso laban sa kanila.
Nagpasalamat si Lucas sa mga katuwang na ahensya at sa publiko sa pagiging mapayapa at matagumpay ng eleksiyon.
Aniya, “Nagpapasalamat po ako sa inyong lahat na aming nakasama sa layuning ito. Naging matagumpay tayo dahil sa ating ‘Serbisyong Nagkakaisa.’ Hindi namin magagawa ito kung hindi dahil sa inyong pakikipagtulungan at suporta,” .