File photo
ISINUKO na rin ng pamilya Discaya ang 16 na karagdagang sasakyan, bukod pa sa 12 sasakyan na naunang nakuha ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ay matapos ipag-utos ng korte na paghahanap sa St. Gerrard Construction General Contractor & Development Corp. compound sa Pasig City.
Ang 16 na sasakyan ay sumasailalim na ngayon sa pagproseso ng BOC para sa sealing at documentation at babantayan ng mga tauhan ng Customs, habang hinihintay ang verification ng importation records at assessment of duties and taxes.
Sa tulong ng Land Transportation Office, ipagpapatuloy ng BOC ang masusing imbestigasyon.
Ayon sa BOC,” nakatuon kami na ituloy ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na labanan ang smuggling, protektahan ang mga kita ng gobyerno, at tiyakin ang pananagutan sa pamamagitan ng mga proseso ng customs ayon sa batas”.
