May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

3-anyos, ginahasa ng tatay na pulis

Ni Alex dela Cruz

ARESTADO ang isang  aktibong pulis na naghalay sa 3-taong gulang na kanyang anak sa Cabuyao Laguna.

Base sa ulat ni PLt.Col.jack Angog, nagsumbong ang bata sa kanyang mga tiyahin na masakit ang kanyang ari saka ikinuwento ang pangyayari.

Nang ipasuri ito , dito napag-alamanan na nagkaroon ng penetration sa kanyang pwerta o ari.

Agad na dinampot ng mga kapwa pulis ang kanilang kabaro  at ikinulong sa Cabuyao City Police Station ang suspek na may ranggong Master Seargent.

Kasong rape in relation to child abuse ang kinakaharap ng suspek habang itinatanggi ang mga alegasyon laban sa kanya.