May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Vietnamese, nailigtas sa Laguna

Ni Alex dela Cruz

Isang Vietnamese  national ang nailigtas nitong Miyerkules ng gabi ng barangay tanod sa Brgy.San Ildefonso ,Alaminos  matapos abusuhin ng kanyang pamilya.

Nakilala  ang biktimang si Nguyen Van Hau, 30 anyos na naninirahan sa 2977 Santos St. Brgy.Carmona , Makati City.

Base sa ulat ng Alaminos Municipal Police Station , dinala ang biktima ng isang barangay tanod na nag-ngangalang Christopher Jalmasco bandang alas 6 ng gabi nitong araw ng MIyerkules makaraang humingi ng tulong .

Ayon sa biktima , nagmula siya sa bansang Dubai at nakabalik sa Pilpinas noong nakaraang Agosto 9,2022 base sa kanyang tiket sa eruplano .

Agad itong tumuloy sa bahay ng kanyang kapatid sa Makati City.

Sa di malamang dahilan at hirap sa pagtranslate ng ingles , hindi maipaliwanag ng biktima ang pangyayari.

Bagkus ipinakita na lamang ang kanyang mga pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan  at dali-daling dinala sa San Pablo City upang bigyang lunas.

Inaalam pa ng mga otoridad ang tunay na nangyari habang pinaghahanap pa ang kanyang pamilya dito sa Pilipinas.