May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

3 Patay, 6 sugatan sa malagim na road accident ngayong Undas sa Laguna

Ni Alex dela Cruz

NASAWI ang tatlong katao habang anim naman ang sugatan nang salpukin ng isang pickup truck ang dalawang tricycle ngayong araw ng Undas sa kahabaan ng National Hiway sa Purok2 , Barangay Bucal , Calamba City .

Agad na namatay ang tricycle driver na si Gilbert Palupit,35 anyos ; asawang si Aileen 34 at anak na si Ma.Aleisha Gale Palupit na residente ng Barangay Real .

Ginagamot naman sa pagamutan ang mga biktimang sina Akisha Gillen 10 ; Allyssa Joy 12; Ayesha Gillian Palupit 9; John Rey San Juan, driverng isa pang tricycle , at kanyang pasaherong si Myla Alorro, na residente ng Nagcarlan, Laguna, at Clay John Tianzon, pasahero ng SUV .

 Base sa inisyal na ulat , sinalpok ni Alyssa Mae Pacrin Abritia , driver ng Ford Raptor  Pickup truck ang dalawang tricycle nang pumasok ito sa kabilang linya bandang alas 3:30 ng madaling araw ngayong Miyerkules.

Tumalsik ang mga sakay na pasahero ng tricycle sa sementadong bahagi ng kalsada kung saan nagtamo ng pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na kaagad namang dinala sa Jose Rizal Provincial hospital .

Habang kaagad namang binitbit sa Calamba City Police Station si Alyssa Mae Pacrin Abritia na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resuslting in Multiple Homicide at Multiple Serious Physical Injury and Multiple Damage to Property.