
NAHULI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga opisyal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Lunes ang apat na turistang Vietnamese na pinaghihinalaang ilegal na naghahanap ng trabaho sa bansa.
Tinukoy ni BI Commissioner Norman Tansingco. sina Truong Quang Than,28 anyos; Bui Van Chi, , 36; Ngo Dan Tuong, 22; at isang babaeng 19-anyos na si Nguyen Hoang Minh Huy na dumating sakay ng Philippine Airlines flight mula Hanoi at nagdeklarang mamamasyal sa bansa.
Napag-alamanan sa inspeksyon ng mga indibidwal na hindi magkakatugma ang mga sagot ng mga ito sa BI officer at napag-alamanan na nananatili noon sila sa bansa ng pitong buwan.
Isa sa kanila ang umamin na nagtrabaho siya sa isang catering business noong nakaraangnpananatili ito sa bansa nang walang angkop na visa.
Bilang resulta ng kanilang sila ay inilagay sa blacklist ng immigration, na nagbabawal sa kanila na makapasok muli sa Pilipinas.