NAMAHAGI ng tulong pangkabuhayan ang mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa 407 residente mula sa Imus at Tagaytay City sa Cavite, at Calamba City sa Laguna.
Namigay ang mga kinatawan ng mga senador ng tulong sa mga small business owner, mga senior citizen, at mga kababaihan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula September 18 hanggang 20, 2024.
Naisakatuparan ang pamamahagi sa suporta nina Tagaytay City Mayor Bambol Tolentino, Imus City Mayor Alex Advincula, 3rd District of Cavite Representative Adrian Jay Advincula, at former 3rd District of Laguna Representative Marisol Aragones.