NAITALA ang 46 na kaso ng measles sa lungsod Quezon simula January 1 hanggang February 24, 2025, ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division o QCESD.
Pumalo sa 171.59% o mas mataas kumpara noong 2024 sa kaparehong panahon ang mga nagkasakit ng tigdas na lubhang nakakahawa at maaaring maging delikado, lalo na sa mga bata.
Kaya naman nagpaalala ang local na pamahalaang lungsod Quezon sa pamumuno ni Mayor Joy Belmonte na protektahan ang mga bata laban sa sakit na tigdas sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng MMR vaccine.
Pinaaalalahanan rin na dapat iwasang makisalamuha ang taong may sintomas tulad ng lagnat,ubo sipon at rashes.
Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng mga inabanggit at magpabakuna sa mga health center ang mga batang wala pa .
