
LIMANG katao, kabilang ang isang sanggol at dalawa pang menor de edad, ang nasawi sa sunog na tumama sa isang residential area sa Pasig City noong Miyerkules ng gabi.
Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kabilang sa mga nasawi ay isang 39-anyos na babae, ang kanyang 11-anyos na anak na babae at isang taong gulang na sanggol; empleyado daw ng gobyerno ang kapitbahay nila, at ang 15-anyos niyang anak.
Ang mga bangkay ng mga biktima ay natagpuang magkakatabi ng mga rumospondeng bumbero nitong Huwebes.
Lumabas sa imbestigasyon na nagsimula ang sunog sa isang apat na palapag na bahay sa E. Mendoza St. sa Bgy. Buting, Pasig City alas-10:56 ng gabi noong Miyerkules.
Idineklara ng BFP ang fire out alas-11:58 ng gabi ng araw ring iyon.
Naabo ng apoy ang limang bahay at 18 pamilya ang nawalan ng tirahan o kabuuang 89 katao na ngayon ay pansamantalang nananatili sa mga evacuation center.
Tinatayang nasa P600,000 ang pinsala sa ari-arian.
Hanggang sa ngayong ay hindi pa matukoy ng mga arson investigator kung ano ang sanhi ng sunog.