
NAKAPAGPIYANSA para sa pansamanatalang kalayaan ang anim na security guards na may kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero sa Maynila.
Sa tulong ng kanilang abogado na si Mikaelo Reyes nakapagpiyansa sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnry Consolacion, at Roberto Matillano Jr. mula sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Group sa Calabarzon noong 8:37 p.m. noong Disyembre 15.
Ayon sa CIDG , ang paglaya ng mga suspek ay batay sa pasiya na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 40 na si Judge Rebecca Guillen-Ubaña.
Ang anim ay may kasong 6 counts na kidnapping and serious illegal detention na may piyansa na P3 milyon bawat isa o P500,000 para sa bawat kaso.
Itinakda ng korte ang unang presentasyon ng ebidensya sa darating na Pebrero 9, 2024 alas-10 ng umaga.
Ang mga anim ay dating security guards ng Manila Arena kung saan inaresto ng CIDG-Calabarzon agents na pinamumunuan ni Col. Jac Malinao sa dalawang safe houses sa Parañaque noong Setyembre.
Sila ay itinuturong may kinalaman sa pagkawala nina John Claude Inonog, James Baccay, Marlon Baccay, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, at Rowel Gomez.