June 25, 2024

The Insider News

Direct from the source

64M tinamaan sa lotto ng tindero ng isda

lottery ticket

Ni Alex dela Cruz

TUMATAGINTING na 64-Milyong piso ang tinamaan ng isang tindero ng isda sa Albay.

Sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office ay tinamaan ang Grand Lotto 6/55  nito noong Enero 15,2022.

Tinayaan nito ang mga numerong  39-29-09-21-19-20 na may katumbas na halagang premyo na P65,991,571.00.

Nang kuhain ng grand winner ang kanyang premyo  sa  PCSO Main Office sinabi  nitong uunahin niyang bumili ng house and lot para sa kanyang anim na anak dahil sa nangungupahan lamang sila sa kanilang tinitirahan

Samantala, jackpot rin sa  Mega Lotto 6/45 draw noong Marso 2, 2022 ang isang taga-Cavite.

Nasa P8,910,000.00 jackpot prize ang kanyang tinamaan  sa mga numerong tinayaan na 02-30-45-42-27-17.