
NAGDULOT ng matinding trapik sa Southbound lane ng EDSA -Cubao kaninang madaling-araw makaraang araruhin ng isang pick-up truck ang steel fence.
Ayon sa driver galing siya sa Maginhawa Street sa Quezon City at patungo na ng Las Pinas nang hindi mapansin ang separator sa EDSA Aurora underpass .
Wala namang naiulat na nasakatan sa kanyang dalawang pasahero .
Habang nagresulta ng lampas sa allowable limit ang alcohol naman ang driver matapos isinailalim ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) sa breath analyzer test ito.
Agad na dumating na rin ang dalawang tow truck ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).