NAILIGTAS ng mga awtoridad nitong Biyernes ang isang 67-taong gulang na babae na kinidnap noong Martes ng gabi sa harap ng kanyang tirahan sa isang condominium sa Makati City at natagpuan malapit sa isang paaralan sa Gen. Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite.
Ayon sa isang ulat kay Police Regional Office 4A director Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang biktima ay si Nena Aquino, isang residente ng 1802 Joya Lofts and Tower sa Rockwell, Makati City.
Sinabi ni Aquino sa mga imbestigador na bago ang pagkidnap, papunta siya sa isang kaibigan. Aniya, naglalakad siya nang biglang lumapit ang dalawang lalaki at may ipinaamoy sa kanya na siyang nagpawalang malay s noong 8:00 p.m. noong Martes.
Sa salaysay ng biktima , dinala siya sa isang silid sa isang hindi matukoy na lugar. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa ng lubid attinakpanng ng duct tape ang kanyang bibig.
Ayon sa biktima, nagpanggap siyang patay hanggang sa dalhin siya ng mga suspek sa isang kotse patungo sa Congressional Road sa Bgy. F. De Castro, GMA, kung saan siya “pinabayaan” malapit sa F. De Castro Elementary School noong 4:35 a.m. Biyernes.
Nakita ng isang security officer ng barangay ang biktima at agad na tumawag sa pulisya.
Natagpuan rin ng mga ang pulis sa lugar ang isang cellphone na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng isa sa mga suspek.
isang masusing pagsisiyasat ang ginagawa ng GMA police sa koordinasyon ng Makati PNP para maresolba ang kaso.
Pinag-aaralan na rin ng pulisya ang mga CCTV footage sa lugar para sa posibleng pagkakakilalan ng mga suspek.