![pedo](https://www.theinsidernews.info/wp-content/uploads/2024/09/pedo.jpg)
NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI)sa paliparan ng bansa ang pitong Amerikano na dati nang nahatulan ng mga sex crimes sa US.
Ayon sa pahayag ni Joel Anthony Viado, Officer-in-Charge ng Bureau of Immigration, na ang mga pasahero ay naharang sa magkakaibang petsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan airport sa nakalipas na tatlong linggo nang dumating ang mga pedophile na nagtangka bilang turista sa bansa.
Ang una na nagtangkang pumasok sa bansa ay si Dustin Patrick Auvil, 57, na dumating sa NAIA Terminal 3 mula San Francisco, USA noong Agosto 22. Siya ay nahatulan noong 2006 dahil sa sexual assault sa isang apat na taong gulang na babae.
Noong parehong araw, si Daniel Russell Eoff, 34, ay ibinukod din sa NAIA 3 matapos niyang dumating mula Tokyo. Siya ay nahatulan noong 2013 ng second degree sexual assault laban sa isang anim na taong gulang na bata.
Nitong Agosto 23 si Francisco Javier Alvarado, 39, na nahatulan noong 2017 ng child pornography dahil sa pagkakaroon ng obscene material na nagpapakita ng isang menor de edad sa sexual conduct.
Ang susunod na tinanggihan na makapasok ay si Michael Allen Turner, 41, na dumating mula Hongkong noong Agosto 24 sa Mactan airport sa Cebu. Siya ay nahatulan noong 2003 ng sexual assault of a child in the second degree.
Naharang noong Agosto 29 si Matthew Thorin Wall, 46, na dumating sa NAIA noong Agosto 28 mula Taiwan. Siya ay nahatulan noong 1999 para sa sexual penetration of and sexual copulation with an 18-year-old victim.
Noong Setyembre 4, dumating si Todd Lawrence Burchett, 41, mula Qatar sa NAIA at ibinukod. Siya ay nahatulan noong 2014 para sa gross sexual imposition involving a 13-year-old victim.
At ang pinaka huli ay noong Setyembre 10, si William Emil Wanket, 40, ay tinanggihan sa pagpasok sa NAIA matapos na dumating mula Guam. Siya ay nahatulan noong 2006 dahil sa sexual abuse sa isang 12-taong gulang na babae.
“Gayunpaman, agad silang tinanggihan sa pagpasok matapos matuklasan ng aming mga primary officer at kanilang mga supervisor na sila ay registered sex offenders (RSOs) dahil sa kanilang rekord ng mga paniniwala para sa mga sex crimes na kanilang ginawa laban sa mga menor de edad na biktima,” sabi ni Viado.
Sila ay pinabalik mula sa kanilang port of origin at inilagay na sa listahan ng blacklisted upang hindi na tuluyang makapasok sa bansa .