February 29, 2024

7 transport group ‘di lalahok sa strike bukas October 16

PITONG transport group ang nagpahayag na hindi sila lalahok sa nationwide transport strike ng grupong “Manibela ” nitong darating na Lunes , October 16,2023.

Nakipagpulong si MMDA General Manager Usec. Procopio Lipana sa Magnificent 7 na binubuo ng mga transport group operators para pag-usapan ang tigil -pasada bilang protesta sa gagawin pag pull-out ng mga traditional jeepneys sa huling araw ng taong 2023.

Ang Magnificent 7 ay binubuo ng mga grupong Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (Piston), Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Stop and Go, at Liga ng Transportasyon at Operators ng Pilipinas (LTOP).