ISANG pitong-taong gulang na batang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang kuweba sa Lucban, Quezon noong Linggo.
Ayon kay Maj. Marnie Abellanida, hepe ng pulisya sa Lucban, kinilala ng ina ng bata ang kanyang anak na nawawala mula Sabado.
Sa ulat ng mga awtoridad na maaaring naabuso ang bata seksuwal dahil nawawala ang kanyang pang ibababang panloob.
Isang residente ang nagsumbong sa pulisya na siya ay naghahanap ng kanyang pamangkin sa isang kagubatan sa Barangay Palola nang makakita siya ng isang lalaki na lumabas ng kuweba na may dalang crowbar bandang alas-10 ng umaga.
Sinabi niya na naghintay siya na umalis ang lalaki bago pumasok sa kuweba, kung saan niya natagpuan ang bata na nakatali ang mga paa at kamay.
Sa isang follow-up operation, naaresto ng pulisya ang suspek na si Noel Diaz, 33.
Ayon kay Abellanida, hinihintay pa nila ang resulta ng pagsusuri sa laboratoryo na isinagawa sa katawan ng bata upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
