MAGSAAGAWA ng mass action o panawagan ng impeachment kay Vice-President Sara Duterte sa labas ng Batasan ngayong araw ng Lunes , Setyembre 23, 2024.
Kasabay nito ang pagtalakay ngayong araw rin sa plenaryo ng House of Representatives ang panukalang budget ng Office of the Vice President .
Pangungunahan ng mga miyembro ng Makabayan Bloc na Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN ang panawagan na magsisimula mamayang bandang alas-10 ng umaga.
Dahil sa umano’y betrayal of public trust kaugnay ng anomalya sa paggamit ng public fund at pagtanggi niyang sagutin ang mga tanong tungkol sa paggamit ng confidential funds.
Maglalabas ng isang banner ang BAYAN na “Impeach Sara Duterte” laban sa Bise -Presidente sa South gate ng House of Representatives .
