POSITIBO sa African swine fever (ASF)ang isang truck na may kargang 30 baboy sa Batangas ang naharang ng mga awtoridad sa Tandang Sora, Quezon City noong Lunes.
Naaresto ang driver ng truck na si Ardy Tolentino, 38, at ang kanyang kasama na si Henry Olan, 42, kapwa residente ng Bgy. Tipakan, Lipa City, Batangas.
Naharang ng mga tauhan ng Provincial Veterinary Office ng Bulacan at ng Quezon City Police District ang truck sa ASF checkpoint sa Tandang Sora, Quezon City.
Ayon sa isiyal na imbestigasyon, ang Isuzu truck na may plate number na TQR 971 na may kargang 30 baboy na positibo sa ASF ay pag-aari ni Isidro Tolentino, 36, na residente rin ng Bgy. Tipakan, Lipa City.
Ang mga infected na baboy ay nakatakdang dalhin sa Novaliches sa Quezon City .
Kasama ang mga tauhan ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company, agad na dinala ang nakumpiskang truck sa Provincial Engineering Office sa Guiguinto, Bulacan.
Ang mga baboy na nagpositibo sa ASF ay inilibing sa isang burial site sa Bgy. Tabang sa Guiguinto.
Ang driver ng truck at ang kanyang katulong ay ngayon ay nasa kustodiya ng Bureau of Animal Industry.
