ININSPEKSIYON ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang rehabilitated Project 2 Public Market sa Barangay Quirino 2A ngayong araw ng Sabado .
Mayroong 87 stalls ang naturang palengke na may fruit, meat, chicken, fish, at vegetable sections.

Naglagyan rin ng Paleng-QR members ang mga stallholders para sa mabilis na transaksyon ng mga mamimili.
Tiniyak ng alkalde na tutugunan ng lokal na pamahalaan ang mga inilatag na suhestyon ,hinaing at pangangailangan ng mga nagtitinda.
Kasama ni Mayor Joy na nag-inspeksyon sa palengke sina Chief of Staff Rowena Macatao, Market Development and Administration Department head P/Col Alex D.J. Alberto (Ret.), City Engineer Atty. Dale Perral, District 3 Action Officer Atty. Tommy de Castro, at P/B Marian Garlit.
