PHOTO CAPTION:
BOTIKA ON THE GOB. TULOY-TULOY ang pamimigay ng daan-daang maintenance na gamot ang Akay ni Sol Partylist nitong nakaraang Sabado sa PLDT covered court Brgy.Soro-Soro, Binan City sa Laguna. Pinangunahan ng tumatakbong gobernadorang si Sol Aragones ang pamamahagi sa mga residente ng mga branded na gamot pang maintenance sa highblood pressure, cholesterol at iba pa tulad ng Rosuvastatin, Amlodepine Metformin at Losartan nitong Enero 16 mula ala-1 hanggang alas-4 ng hapon. Maglilibot pa sa iba’t-ibang lugar ang Akay ni Sol Botika on the Gob upang mas marami pa ang makinabang na Pilipino sa programa.
