NASA 35 indibidwal ang idinagdag sa listahan ng lookout bulletin order (ILBO) ng Bureau of Immigration na mga pangalan ang nasa kanilang monitoring list dahil sa umano’y pagkakasangkot sa mga kahina-hinalang flood control projects.
Sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na nakatanggap sila ng kopya ng immigration lookout bulletin order (ILBO) kahapon ng Setyembre 3, na nag-uutos sa mga opisyal ng immigration na mahigpit na subaybayan ang mga pangalang kasama sa listahan.
Nilagdaan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla na tumutukoy sa mga kalakip na liham ni Senador Rodante D. Marcoleta na namumuno sa Senate Committee on Accountability of Public Officers and Investigations, at Atty. Rodolfo Noel S. Quimbo, Director General ng Blue Ribbon Oversight Office Management (BROOM), na humihiling ng pagpapalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) o Watch List laban sa 35 indibidwal kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado bilang tulong sa batas sa “Philippines Under Water” hinggil sa napaulat na malfeasance, flood and controls2 project2
Sa pagbanggit sa ILBO, inutusan ang BI na subaybayan ang mga subject “in view of the gravity of the allegations and the ongoing investigation, given that there is a strong possibilidad na ang mga indibidwal na pinangalanan ay maaaring magtangkang umiwas sa mga legal na proseso sa pamamagitan ng pag-alis ng bansa”.
Nilinaw ni Viado na ang ILBO ay para sa pagsubaybay lamang, at hindi ito sapat na pagbabawal para sa pag-alis ng subject sa Pilipinas.
Ang utos ay nag-aatas sa mga opisyal ng imigrasyon na mag-verify mula sa mga nauugnay na ahensya ng gobyerno kung may mga bagong inilabas na kautusan na may kaugnayan sa mga subject sakaling subukan nilang umalis. Inutusan din ang mga opisyal na mangolekta ng kinakailangang impormasyon tungkol sa paglalakbay ng subject, upang makatulong sa pagsisiyasat na isinasagawa laban sa kanila.
Kasama sa ILBO sina Alex at Raymond Abelido, Cezarah Discaya, Ma. Roma Discaya Rimando, Allan Quirante, at 30 iba pa.
