HULI ang dalawang Indian national sa isinagawang buy-bust operation kung saan nagtatago ng ₱233.2 milyon piso ng cocaine sa kanilang tinutuluyan sa Villa de Calamba, Bgy. La Mesa, Calamba City bandang alas-2 ng madaling araw ng Sabado.
Narekober sa operasyon ang dalawang kg ng pinaghihinalaang cocaine na nakalagay sa isang brown paper bag at 42 kg ng pinaghihinalaang cocaine na nakalagay sa isang na kahon, kabilang ang buy-bust money, cellphone, at mga pasaporte.
Saasampahan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek.
