TINATAYANG ₱200 milyong halaga ng mga iligal na kagamitan sa paggawa ng pekeng sigarilyo at iba pang produkto ang natuklasan nang salakayin ng magkasanib na pwersa ng mga ahensya ng Bureau of Customs (BOC), kasama ang Armed Forces of the Philippipnes (AFP), Philippine National Police (PNP), at Department of Interior and Local Government (DILG)ang isang bodega sa Cavite.
Isinagawa ang operasyon nang ilabas ang Letter of Authority No. 02-18-023-2026 at Mission Order No. 02-18-028-2026, matapos makakuha ng impormasyon ang natiktikang pagawaan na lumalabag sa Republic Act No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), at Republic Act No. 12022, na kilala rin bilang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.
Base sa nakalap na impormasyon , ang bodega ay dating ginamit para sa pag-iimbak ng mga de-latang pagkain ngunit isang residente ang nagsumbong nang makaamoy ng isang nakakasulasok na amoy ng tabako ang umaalingasaw na nagmumula sa isang pasilidad .
Agad namang inspeksyon ang nasabing lugar kung saan tumambad ang mga kagamitan, raw materials , at mga produktong pinaghihinalaang ginagamit sa paggawa, pag-iimbak, at pamamahagi ng mga smuggled at pekeng sigarilyo.
Tumambad rin sa mga operatiba ang mga labing-isang (11) pinaghihinalaang makinarya sa paggawa ng sigarilyo, dalawang (2) generator set, isang (1) forklift, at sampung (10) tatak ng mga produktong gawa sa sigarilyo. Kabilang sa mga tatak ng sigarilyo na unang natukoy ay ang Champion, Marlboro, Canon Menthol, New Orleans, Bros, New Berlin, Commando, Delta, at Troy.
Natuklasan din ng mga awtoridad ang mga peke at tax stamp na nagpapatibay sa mga hinala ng malawakang ilegal na produksyon at pamamahagi ng sigarilyo upang maiwasan ang pagbabayad ng buwis.
