NASAWI ang isang 82-anyos na senior citizen matapos bugbugin ng sarili niyang anak na lalaki sa Pilar, Sorsogon, kasunod ng pagtatalo sa loob ng kanilang tahanan nitong Linggo, Nobyembre 8.
Ayon sa pulisya , inamin ng 46-anyos na suspek na sinuntok niya sa mukha at ulo ang kaniyang ina matapos umano silang mag-away dahil sa hinihinging susi ng kanilang bahay.
Sinabi pa ng suspek na ilang ulit siyang itinulak ng kaniyang ina kaya gumanti siya ng mga suntok na naging sanhi ng pagkamatay ng biktima.
Agad namang inaresto ng Pilar Municipal Police ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.
