TATLONG katao ang naiulat na nawawala matapos gumuho ang isang tambak ng basura sa sanitary landfill sa Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal noong Biyernes ng hapon.
Base sa ulat ng awtoridad, nangyari ang insidente nang naganap sa tipping area ng Rodriguez municipal landfill sa Sitio Pintor alas-4 ng hapon noong Biyernes.
Agad namang ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources ang agarang imbestigasyon sa insidente makaraang iulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rizal ang nasabing pagguho.
Sa ngayon ay patuloy ang pagsususri sa lawak ng erosion at bineberipika pa ang mga pangalan ng nawawalang indibidwal habang pansamantalang isinara ang bahagi ng landfill na pinangyarihan .
