DALAWANG miyembro ng Philippine National Police (PNP) at isang empleyado ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nasawi noong Biyernes Santo sa isang shootout sa Puerto Princesa City, Palawan.
Agad na binawian ng buhay ang mga nasawi na sina Staff Sgt. Ryan Cris Cabaña, Staff Sgt. Jayson Fernandez, at Jerson Ojario Talon, isang empleyado ng BuCor.
Base sa imbestigasyon naganap ang insidente ng pamamaril sa Bgy. Irawan sa Puerto Princesa City noong Biyernes ng gabi.
Bago ang pamamaril, nagkasakitan ang mga lalaking umiinom ng alak sa burol ng isang namatay na kapitbahay ang dalawang indibidwal pagkatapos ay humingi ng tulong sa mga pulis.
Agad na tinanong ng mga pulis na dumating sa pinangyarihan ang mga tao sa paligid tungkol sa gulo, na iniulat na nagdulot ng tensyon sa lugar.
Sinabi ng mga saksi sa mga imbestigador na narinig sina Cabaña, Fernandez, at Talon na malakas na nagtatalo bago narinig ang mga putok ng baril.
Isang Special Investigation Task Group (SITG) ang binuo upang lutasin ang kaso habang nagpapatuloy ang isang hot pursuit investigation upang maaresto ang mga suspek.
