NAGBABA ang komisyon ang 18 Transport Network Companies (TNCs) habang ang iba namang kompanya ay nag-waive ng komisyon mula sa kanilang mga partners na ride-hailing services upang makatulong sa mga mamamayan mula sa sektor ng transportasyon na mapagaan ang kinakaharap na krisis sa langis na epekto ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Umabot sa 10% ang ibinaba ng ilang TNC habang hindi bababa sa tatlo sa naman ang halos nag-waive ng lahat ng kanilang komisyon hanggang sa makabawi ang sektor ng transportasyon.
Resulta ito nang tipunin ni LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza II nitong nakaraang Huwebes ang mga opisyal at kinatawan ang mga TNC na nag-ooperate sa bansa, kabilang ang mga motorcycle taxi upang talakayin ang pagbaba ng komisyon.
“This is the true meaning of bayanihan. Ito yung mga pagkakataon na magiging proud ka na maging Pilipino dahil sa malasakit at pagtulong sa isa’t-isa,” ani ni Mendoza.
