DEAD on the spot ang isangina habang pumanaw na din ang isang 4 na taong gulang na batang lalaki makaraang pupukin ng martilyo ang mga ito sa kanilang tirahan sa Patria Subd Barangay Del Remedios sa San Pablo, Laguna.
Natukoy ng mga otoridad ang mag-inang nasawi na sina alyas Maria 32 at anak nito na s alyas Kid 4, habang isang m,enor de edad naman ang lalaking suspek.
Base sa ulat ng San Pablo Component City Police Station natagpuang naliligo sa sariling dugo ang mag-ina at patay na ito bandang alas – 11:50 kagabi habang agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang batang lalaki na nasa kritikal na kondisyon na kalaunan ay binawian na din ng buhay sa pagamutan ang bata.
Lumalabas sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na nagtanim ng sama ng loob ang menor de edad na suspek dahil sa palaging nabubulyawan ito ng bitima.
Sa tindi ng sama ng loob ay sinugod ito ng suspek at saka pinagpapalo ng martilyo ang biktimang ginang at nadamay na din ang batang apat na taong gulang.
Kaagad din namang nadakip ang suspek na nakilala sa alyas Pat 14 anyos, kaninang madaling -araw makaraang matagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang isang duguang T- shirt na umano ay pag-aari ng suspek.
Sa ngayon ang suspek ay pansamantalang nasa kostodiya na ng DSWD .
