photo ccto
SAN JUAN CITY — ISINILBI ng mga awtoridad ang arrest warrant laban kay dating House Speaker Martin Romualdez habang nakaratay sa ospital sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City nitong Lunes, Setyembre 7.
Kaugnay ito ng P7.4-bilyong flood control plunder case na inihain ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan laban kay Romualdez at tatlo pang indibidwal, kabilang si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla, patuloy na nagtatago sa France si Co habang hinahanap ng mga awtoridad.
Na-confine si Romualdez sa Cardinal Santos Medical Center dakong alas-4 ng hapon noong Lunes matapos umanong makaranas ng cardiovascular event, hindi matatag na blood pressure at anxiety attack.
Sa kabila ng kanyang pagkakaospital, naisilbi pa rin sa kanya ang warrant habang nasa hospital bed.
Kapansin-pansin din ang suot na orange shirt ni Romualdez na may nakasulat na “CIDG Detainee” nang siya ay kuhanan ng litrato ng mga awtoridad.
Ang pagkakasangkot ni Romualdez sa kasong plunder ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.
Inaasahang haharap si Romualdez sa kaukulang proseso sa Sandiganbayan kaugnay ng kasong isinampa laban sa kanya.
