ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating world boxing champion Emmanuel “Manny” Pacquiao bilang bagong Kalihim at Lead Convenor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).
Pinangunahan mismo ng Pangulo ang panunumpa sa tungkulin ni Pacquiao, na inaasahang mangunguna sa pagpapalakas ng mga programa ng pamahalaan para labanan ang kahirapan at mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino.
Ipinahayag ni Marcos ang kanyang tiwala sa kakayahan ni Pacquiao na pangunahan ang mga hakbang ng administrasyon laban sa kahirapan, kabilang ang pagsusulong ng mga reporma at programang direktang makatutulong sa mga sektor na higit na nangangailangan.
Bilang bagong pinuno ng NAPC, inaasahang pagtutuunan ni Pacquiao ng pansin ang koordinasyon ng pamahalaan at mga sektor ng lipunan upang mas mapalakas ang mga hakbang tungo sa pagbawas ng kahirapan.
Kasama rin sa kanyang mandato ang pagsusulong ng mga programa na naglalayong mapabuti ang kabuhayan at oportunidad para sa mga pamilyang Pilipinong nasa laylayan.
