PORMAL nang binuksan ang Quezon City Mooncake Festival 2026 sa Banawe Chinatown nitong Sabado, sa pangunguna ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Tampok sa taunang pagdiriwang ang iba’t ibang pagkain at produkto mula sa mga lokal na negosyante sa lungsod, kabilang ang mga espesyal na handog na maaaring matikman at mabili sa Banawe Chinatown.
Inihanda rin ng pamahalaang lungsod ang serye ng mga aktibidad para sa mga QCitizens bilang bahagi ng selebrasyon ng Mid-Autumn Festival.
Kabilang sa mga tampok na aktibidad ang Mid-Autumn Dice Game, Mooncake Festival Gallery, dance competition, at mga live music performance.
Layunin ng pagdiriwang na itampok ang kultura at tradisyon ng Mid-Autumn Festival habang binibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na negosyo na maipakita at maitaguyod ang kanilang mga produkto.
Inaanyayahan ang mga QCitizens at iba pang bisita na makiisa sa buong araw na selebrasyon sa Banawe Chinatown.
