Iniimbestigahan ng Lokal na Department of Agriculture (DA) ng Mariveles, Bataan ang iniulat na oil spill sa karagatang sakop ng Sitio Naswe, Barangay Ipag, matapos itong mapansin ng mga mangingisda sa lugar.
Ayon kay Guillermo Mangayao ng Mariveles Municipal Agriculture Office, hindi pa natutukoy kung saan nagmula ang tumagas na langis.
Namataan ng mga mangingisda nitong Huwebes ang tinatayang 25 litro ng krudo o used oil sa karagatan at agad itong iniulat sa Philippine Coast Guard (PCG) Station sa Bataan.
Nag-deploy ang PCG ng oil boom upang mapigilan ang pagkalat ng langis sa mga kalapit na baybaying barangay.
Patuloy pang tinutukoy ng PCG ang lokasyon at pagkakakilanlan ng barkong pinagmulan ng oil spill.
Wala pang inilalabas na ulat ang lokal na pulisya hinggil sa insidente
