February 25, 2024

AJ balik sa pag-arte kahit naglilive-in na sila ni Aljur

Ni Len Dancel

HINDI na makakaila nina Aljur Abrenica at Aj Raval ang kanilang relasyon kaya wala nang dahilan para sila ay magtago pa sa publiko.

Alam naman ng lahat na nali-live-in na sila at wala ng paki-alam ang dating misis na si Kylie Padilla.

Panalo naman talaga si Aj at siya ang nagwagi sa puso ng aktor dahil sa madaming babae ang nagpapantasya rito  at siya ang pinili ni Aljur..

Isang advice naman nais iparating ng mga netizens kay AJ, anila ‘wag muna siya magpakakampante na talagang siya ang pinili. Dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa na-aannul si Aljur kay Kylie.

Samantala , simula August 25 ay mapapanood na sa pamamagitan ng Vivamax ang pelikulang Sugapa na pinagbibidahan nina real couple AJ Raval at Aljur Abrenica.

Halos isang taong nagpahinga mula sa trabaho ang sexy actress upang tapusin ang high school. Ayon kay AJ ay talagang hinahanap-hanap niya rin ang pagiging aktres habang nag-aaral..

Si AJ ay napaka -bata at single na single at mahaba pa ang kanilang lalakbayin.

Goodluck na lang at sana ay maging maaayos ang lahat sa kanilang relasyon.