![alice34](https://www.theinsidernews.info/wp-content/uploads/2024/09/alice34.jpg)
NAILIPAT na sa Pasig City Jail female dormitory nitong Lunes ng umaga ang dating alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo.
Kinumpirma ito ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na dati siyang nakadetine sa Camp Crame, Quezon City matapos siyang maaresto.
Ipinag-utos ng Pasig City Regional Trial Court Branch 167 ang paglilipat matapos ibaba ang isang warrant of arrest laban kay Guo at iba pang suspek dahil sa qualified trafficking .
Umalis ang dating alkalde sa Camp Crame bandang 8:50 a.m. at dumating sa Pasig City Jail mga isang oras pagkatapos suot ang isang bulletproof vest at helmet
Si Guo ang ika-45 na bilanggo sa selda ng Pasig City Jail na ginawa para sa siyam na detainee.
Siniguro ni Supt. Jayrex Bustinera, tagapagsalita ng BJMP, na ligtas si Guo sa BJMP Pasig City Jail.
Sinabi ni Col. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police, na sumailalim si Guo sa kinakailangang medical at physical examination na isinagawa ng PNP General Hospital at ng Forensic Group.
Sa kanyang medical examination, natagpuan ng doktor ang isang posibleng impeksyon sa kanyang kaliwang baga.
Sinabi ni Fajardo na nakakaranas si Guo ng ubo at sipon bago siya lumipat sa Pasig City Jail.
Sinabi naman ni Bustinera na dahil natagpuang may posibleng impeksyon sa baga si Guo, siya ay naka-isolate sa loob ng ilang araw.
Sasama si Guo sa tatlong iba pang persons deprived of liberty (PDLs) na may tuberculosis (TB) sa isang isolation area na may sukat na 10 sq. meters.
Gayunpaman, negatibo naman si Guo sa tuberculosis .
Si Alice Guo ay agad na inilipat sa kanyang itinalagang selda kasama ang 43 iba pang PDL