Anti-dengue misting operation isinagawa sa Dagupan City

Ni Glen S Ramos

Dagupan City – Patuloy ang pagsasagawa ngayong araw ng anti-dengue misting operation ng City Health Office (CHO) sa Dagupan City alinsunod sa direktiba ni Mayor Belen Fernandez upang mapigilan ang paglago kaso ng dengue

Ang mga tauhan ng CHO ay naglilibot sa mga iba’t-ibang barangay sa siyudad upang magsagawa ng “misting”na siyang pupuksa sa mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.

Hinikayat din ni Mayor Fernandez  ang mga residente ng syudad na panatiliin ang kalinisan sa kanilang barangay upang sila ay maging ligtas sa mga kagat ng lamok.

Kasama sa mga lugar na binisita ng CHO para sa misting operations ng siyudad ang paaralan at lahat ng mga pampublikong lugar.