TINANGGIHAN ng pamahalaan ng Timor-Leste ang apela na isinampa ni dating Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo Teves ukol sa kanyang extradition patungong Pilipinas.
Noong Miyerkules, sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nakatanggap ito ng opisyal na update mula sa Prosecutor General ng Timor-Leste hinggil sa mosyon ni Teves para sa reconsideration na humihiling na baliktarin ang desisyon ng Timor-Leste Court of Appeals tungkol sa kanyang extradition.
“Nais naming ipaalam sa publiko na ang mosyon na ito ay tinanggihan,” sabi ng DOJ.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, ang desisyon ay “a significant step forward”.
“Ang desisyong ito ay nagpapakita na ang hustisya ay nagpapatuloy kahit ano pa man ang estado ng isang indibidwal,” aniya.
Ang dating kongresista ng Negros ay nahaharap sa 10 kaso ng pagpatay, 12 kaso ng frustrated murder, at apat na kaso ng attempted murder sa Manila Regional Trial Court Branch 51 kaugnay ng pamamaril noong Marso 4, 2023 sa Pamplona, Negros Oriental na nagresulta sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo at iba pa.
Tumakas si Teves patungong Dili, Timor-Leste, at nag-aplay para sa political asylum.
Nahuli siya noong Marso habang naglalaro ng golf ngunit siya ay pinalaya mula sa Becora Prison ngunit muling naaresto at inilipat sa Polícia Nacional ng Timor-Leste.
Sinabi ng DOJ na noong Hunyo 27, ipinagkaloob ng Court of Appeals ng Timor-Leste ang kahilingan ng Pilipinas para sa extradition ni Teves.
Si Teves ay nagsampa ng apela sa desisyon.