
Binmaley, Pangasinan- ISANG bagong rehabilitated bridge ang kasalukuyan na ngayong ginagamit ng mga residente sa Sitio Bengal, Barangay Balagan, Binmaley, Pangasinan matapos itong buksan sa publiko upang makapagbigay ng mas ligtas at epektibong daan upang maihatid ang mga produkto mula sa barangay papuntang merkado.
Ang bagong hanging bridge ay may layong 0.3208 kilometro at pinondohan mula sa 2024 General Appropriations Act na may total project cost na P5,940,000.00.
Maari lamang dumaan dito ang mga pedestrians at bisekleta at hindi pwedeng dumaan ang mga motorsiklo.
Ang tulay ay nag-uugnay sa dalawang barangay, Balagan at Pototan, at magbibigay ng mas mabilis na ruta papunta sa bayan ng Binmaley.