PINAPASURENDER ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ginamit ng motorcycle vlogger na si Yanna makaraang masangkot ito sa inisdente ng road rage na nagviral sa social media sa Zambales kamakailan.
Sinabi ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na ang pagsuko ng driver’s license ay bahagi ng sanction na ipinataw kay Yanna .
Nagpataw ng 90-araw na preventive suspension sa kanyang driver’s license bilang bahagi ng patuloy na imbestigasyon sa insidente.
Sa ginanap na pagdinig noong Martes, Mayo 6, iniutos ni LTO-Intelligence and Investigation Division (IID) chief Renante Melitante sa legal counsel ni Yanna Motovlog na isuko ang driver’s license at dalhin ang motorsiklo sa susunod na pagdinig upang isailalim sa inspeksyon sa Huwebes, Mayo 8, alas-10 ng umaga .
Sa panahon ng pagdinig, sinabi ng legal counsel ni Yanna Motovlog na pinili ng kanyang kliyente na hindi dumalo para sa kanyang sariling seguridad .
Dahil aniya sa mga natatanggap na pagbabanta at insulto pagkatapos ng insidente at lalo na matapos malantad ang kanyang tirahan sa social media.
Nagpadala naman ng liham si Yanna Motovlog sa LTO na humihingi ng paumanhin hindi lamang sa driver ng pick-up at sa pamilya nito kundi pati na rin sa lahat ng taong naapektuhan ng ugali nito sa kalsada nang mangyari ang insidente sa Zambales.
Aniya, handa siyang tanggapin ang mga parusang ipapataw ng LTO kaugnay ng insidente
Sa naganap na pagdinig naman , inilahad ng pick-up driver na hahayaan na sana niya ang insidente ngunit nagulat siya at napilitang harapin ang rider ng motorsiklo nang lumitaw ang grupo ng mga rider na naghihintay sa kanya.
Ayon pa sa pick-up driver, nang komprontahin niya ang motorcycle rider, doon niya lang nalaman na babae ang rider— siyang makikita sa nag-viral sa social media .
Natuklasan rin sa pagdinig na hindi nakarehistro sa kanyang pangalan ang motorsiklo na sinasakyan ni Yanna Motovlog nang mangyari ang inisdente ng road rage .
