“We have to examine our heart… Are we compassionate as a people?”
Ito ang tanong ni Senador Alan Peter Cayetano sa mga kapwa Pilipino nitong July 12 sa kanyang ‘CIA 365 with Kuya Alan’ livestream, kung saan tinalakay niya ang nangyayaring salungatan ng mga Pilipino tungkol sa panawagan niyang interim release para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“If we’re only compassionate sa mga mahal natin, pero d’un sa mga taong galit tayo we’re not compassionate, then we’re not compassionate,” aniya.
Giit niya, ang paggawad ng interim release sa 80-anyos na dating Pangulo ay pagrespeto sa karapatan ng isang akusado sa maayos na kalusugan, dignidad, at pagtrato bilang “innocent until proven guilty.”
“When we say that we want justice, that goes both ways. Ganoon din ‘pag sinasabi nating tayo ay maka-human rights,” aniya.
Tungkol naman sa maikling tugon ng Malacañang sa kanyang resolusyon, sinabi ni Cayetano na sapat na para sa kanya ang salitang ginamit ng Palasyo.
“Ako’y nagpapasalamat na hindi agad shi-noot down din ng Malacañang ang proposal. ‘Noted’ is much better than ‘no,’” pahayag ng senador.
“Ibig sabihin, ‘We’ll listen. Pag-usapan natin,’” dagdag niya.
Paalala ni Cayetano sa mga kapwa Pilipino, ang tunay na “maka-human rights” ay iniisip ang karapatan ng bawat isa, kakampi man o hindi.
“Ang values natin nate-test pagka ayaw natin i-apply y’ung value na y’un,” diin niya.
“Kung halimbawa po kakampi niyo y’ung nakulong doon, will you have the same values?” tanong niya sa kanyang online community.
Ikinabit ng senador ang isyu sa mas malawak na problema ng bansa: ang kawalan natin ng malinaw na core values bilang isang bansa.
Ito ang dahilan kung bakit ang Filipino Identity in Values Act ang unang panukalang batas na inihain niya para sa 20th Congress.
“We’re talking about our values as a nation… Values have to be seen in our life, in our actions. Kung hindi, hindi natin values y’un.”
Samahan si Senator Alan at ang kanyang online community sa gabi-gabing talakayan tungkol sa nation-building, pananampalataya, at personal growth sa CIA 365 with Kuya Alan, live sa kanyang opisyal na Facebook page
