IBA, ZAMBALES- SUGATAN ang apat na sakay ng isang training aircraft na kabilang sa isang local flying school nitong Biyernes ng umaga , Hunlyo 11, 2025.
Lulan ng tatlong estudyante at isang instructor ng Cessna 172 na nagsasagawa ng regular training .
Agad namang tinugunan ng aviation at lokal na awtoridad ng lalawigan ang mga sakay nito na nasa maayos ng kondisyon.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ang light aircraft ay bumagsak sa bahagi ng africultural area sa Iba, Zambales.
Inatasan ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) na suriin ang insidente upang matukoy ang sanhi nito.
Tiniyak ng mga awtoridad sa publiko na ang mga protocol sa kaligtasan ay mahigpit na sinusunod at ang karagdagang impormasyon ay ilalabas habang isinasagawa ang pagsisiyasat.
