NILAGDAAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang National Budget Circular No.597, na nagtatakda ng guidelines, rules at regulations para sa ikalawang tranche ng salary increase para sa mga civilian government workers.
Inisyu ang nasabing Circular na naaayon sa pagpapatupad ng updated Salary Schedule para sa mga Civilian Personnel alinsunod sa Executive Order (EO) Np. 64, s. 2024, na pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. noong Agosto 2024.
“Sa pagpapatuloy po ng pangako ng ating Pangulo, ipatutupad po natin ngayong January 2025 ang pangalawang bahagi ng salary increase para sa ating mga kawani ng gobyerno. We hope that this second tranche will provide much-needed financial relief and allow our government workers to better support their families, invest in their futures, and enhance their overall quality of life,” pahayag ni Sec. Mina.
Nakasaad sa EO No. 64 na ang updated na Salary Schedule ay dapat ipatupad sa mga National Government Agencies sa apat (4) na tranches, kung saan ang unang tranche ay simula Enero 1, 2024, ang ikalawa sa Enero 1, 2025, ang ikatlo simula sa Enero 1, 2026 , at ang ikaapat at huling tranche ay magsisimula sa Enero 1, 2027.
Ang salary increase ay para sa lahat ng civilian government personnel, na umiiral o nilikha sa mga Sangay ng Ehekutibo, Lehislatibo, at Hudikatura, mga Constitutional Commission at iba pang Constitutional Offices, State Universities and Colleges, at Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs), na hindi sakop ng Republic Act (RA) No. 10149 and EO No. 150, s. 2021, anuman ang status ng appointment, regular man, casual, o contractual, appointive o elective, at sa isang full-time o part-time basis.
Samantala, hindi naman saklaw ng Circular ang mga military at uniformed personnel; government agencies na exempted sa RA No. 6758; GOCCs sa ilalim ng RA No. 10149 at EO No. 150; mga indibidwal na nagtatrabaho na walang employer-employee relationship at pinondohan ang posisyon mula sa non-Personnel Services appropriations/budgets, tulad ng mga consultant at expert na engaged sa loob ng limitadong panahon para gawin ang mga specific activity o serbisyo na may expected outputs, mga manggagawa sa ilalim ng job contracts (_pakyaw_) at mga binabayaran sa ilalim ng piecework basis, student workers at apprentices, at mga nagseserbisyo sa pamamagitan ng job order, contract of service, or iba pang katulad na sitwasyon.
Ang halaga na kailangan para sa salary adjustment ng mga civilian government workers para sa FY 2025 ay kukunin mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund at kahit anong available appropriations sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act, na naayon sa budgeting, accounting, at auditing rules and regulations.
Para sa mga GOCC na sakop ng Circular, ang halaga ay manggagaling sa kani-kanilang corporate operating budgets na inaprubahan ng DBM.
Nais ding bigyang-diin ng DBM na ang guidelines para sa local government units ay saklaw naman ng isang hiwalay na Circular.
