Dalawa patay sa tumangging misis na makipagbalikan

Ni Alex dela Cruz

PATAY  sa pananaksak ang dalawang katao makaraang tanggihang makipagbalikan sa kanyang dating live-in partner sa Sta.Rosa ,Laguna .

Nasawi ang biktimang si Marissa  MAcunat Espinosa matapos burdahan ng saksak ng suspek na si Ruben Junneful Goden  sa No.15 Piet apartment  San Isidro Compound ,Brgy.Macabling .

Sugatan naman ang dalawang umawat sa away na sina Carol Bermundo Mmaril at John Rey Espinosa na agad na dinala sa Sta.Rosa Community Hospital.

Sa ulat ng Sta.Rosa City Police Station ,bandang alas 9 ng umaga ng dumating ang suspek sa bahay ng biktima na may dalang patalim .

Ayon sa salaysay ng anak ni Espinosa na si Sheryl ,nagbabanta ang suspek na pagbabarilin sila kapag tumangging makipagbalikan ang ina nito dahil sa paulit-ulit na pambubugbog ng suspek.

Muli na nanamang humantong sa away ang dalawa at nagpambuno ang mga ito hanggang sa nasaksak na ng suspek ang biktima at saka ito nagpakamatay.