
Photo courtesy by Biñan cio / Cabuyao cio
GINAWARAN ng parangal ng Department of Health ang dalawang lungsod sa Laguna dahil sa natatanging pagtataguyod ng kalusugan sa kanilang mamamayan .
Tinanggap ng Cabuyao at Biñan City ang na Healthy Pilipinas Awards for Healthy Communities 2022.
Dahil sa pagapapalaganap ng tama at impormasyon sa usapin ng sexual at reproductive health local talk show program ng Cabuyao City na PHD (Population Health and Development).
Ang kampanya naman “Sa Lungsod ng Biñan, BIDA ang may Bakuna” na layong ipabatid at ipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa Covid-19 ay tumanggap rin ng pagkilala.
Sinimulan ilunsad ngayong taong 2022 ang Healthy Pilipinas Awards ng DOH upang kilalanin ang mga lokal na pamahalaan na may mahuhusay na health promotion programs.