SINUSPINDE ng Office of the Ombudsman ng anim na buwan na walang sweldo si Laguna 3rd District Board Member Angelica Jones Alarva kaugnay ng reklamong administratibo na inihain ng dati niyang staff na si Samantha Ladiana Alaisa.
Epektibo ang suspensyon ng dating sexy actress nitong araw ng Lunes, Nobyembre 9, 2026. Naghain si Alaisa ng reklamo sa Ombudsman noong Oktubre 23, 2026, at inakusahan si Jones ng grave misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Sa kanyang reklamo, iginiit ni Alaisa na nakaranas siya ng matagal na verbal at psychological abuse mula pa noong 2021, na umano’y nagdulot sa kanya ng matinding depresyon, pagkabalisa at post-traumatic stress disorder (PTSD).
Gayunman, itinanggi ni Jones ang lahat ng alegasyon at tinawag ang reklamo na political harassment, character assassination at bullying.Iginiit din ni Jones na tinanggal si Alaisa sa trabaho noong 2025 dahil sa madalas na pagliban, kuwestiyonableng katapatan at umano’y mga iregularidad sa paghawak ng mga dokumento.
